
Excited at hopeful sa pagpasok ng 2026 ang ilang Kapuso at Sparkle stars na puno ng pasasalamat para sa blessings at na-achieve sa nagdaang taon.
Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng ilang Kapuso stars ang kanilang saloobin para sa nagdaang 2025. Si Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid, handa na para sa kung ano man ang paparating ngayong 2026.
Sa Instagram, nagbahagi ang aktor ng ilang picture carousel ng mga highlight ng kaniyang taon.
Ani Ruru, "Yesterday wasn't my best year, but it was one of my most meaningful. I learned a lot—no doubt about that. I may not have gotten the outcome I wanted, but I trust that everything was part of God's plan. It felt like preparation. Preparation for something bigger. Even if I don't fully see it yet, I feel it—nararamdaman ko."
Nagpasalamat din ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Bianca Umali para sa kaniyang mga pinagdaanan at natutunan nitong nagdaang taon.
Nagbahagi rin ng kaniyang 2025 highlights si Mikee Quintos na naging espesyal para sa kaniya dahil nitong taon din siya nagtapos sa kolehiyo.
Nakamit naman ni KMJS' Gabi ng Lagim The Movie star Miguel Tanfelix ang kaniyang mga travel goals noong nakaraang taon nang siya ay mag-solo travel.
Sabi pa ni Miguel, "2025 was great, but 2026 will be even greater."
Samantala, ready na rin ang girlfriend ni Miguel at Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Ysabel Ortega para sa kung ano man ang ibibigay ng bagong taon. Nagpasalamat din ang aktres sa mga blessings na natanggap niya nitong 2025.
Puno rin ng milestone sa buhay at career ni Mika Salamanca, kabilang na ang malaking pagbabago sa kaniyang buhay matapos manalo bilang Kapuso Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ani Mika, "TBH (To be Honest), I boomerang it back to God."
Achievements din noong 2025 ang ibinahagi ng kapwa former housemate ni Mika na si Shuvee Etrata sa dami ng blessings na natanggap niya.
Ayon kay Shuvee, sisimulan niya nag bagong taon "with a very grateful heart."
Hindi man inaasahan pero malaki ang pasasalamat ni Mavy Legaspi sa growth na nakuha niya noong nakaraang taon.
Sabi pa ng Hating Kapatid star, "Not every day was easy, but every day taught me something. I'm stepping into the New Year with a softer heart, a stronger spirit, and so much gratitude for how far I've come."
Isang tula naman na tila paglalarawan ng kaniyang pinagdaanan at paghanap ng inner peace ang pinost ni Kylie Padilla. Samantalang si Joe Berry, mensahe ng pagiging hopeful sa 2026 ang pinost.
Panoorin ang report ni Nelson dito:
ALAMIN ANG 2026 GOALS NA GUSTONG MAKAMIT NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: