
Hindi lang tampok ang Kapuso stars sa kanilang pagrampa sa blue carpet ng GMA Gala 2025, kundi pati na rin sa kani-kanilang aliw at pasabog na 'Get Ready With Me' videos.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, August 4, umani ng maraming positibong reaksyon ang GRWM videos ng ilang Kapuso stars para sa kanilang nakaka-excite na preparations at transformations bago rumampa sa GMA Gala 2025.
Work of art ang atake ni Global Fashion Icon Heart Evangelista nang irampa niya ang kanyang hand-painted Schiaparelli gown sa blue carpet.
Sharp looks at smooth moves naman ang ipinamalas ni Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards sa kanyang video kung saan ay ibinida niya ang kanyang custom black velvet suit with matching designer shoes at isang luxury watch.
Si Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid naman ay nagpa-wow sa kanyang champagne satin suit na may broach accent at fringe bell detail. Ayon sa aktor, ang kanyang suot para sa gabi ay nagsisilbing clue sa kanyang next project.
Scene stealer din si Sang'gre star Bianca Umali sa kanyang two-piece ensemble na gawa sa Capiz at Piña, kung saan ibinida niya ang kanyang toned abs.
Ipinamalas naman ni Sang'gre at Stars on the Floor star Faith Da Silva ang isang bold moment, suot ang kanyang fiery red gown at fresh short hair sa kanyang video.
Scene stealer din si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa kanyang red bloody latex gown, na binagayan pa ng matching red nails and shoes.
Si Kyline Alcantara naman ay nag-post ng kanyang GRWM video mula sa paghahanda hanggang sa pagrampa sa blue carpet kung saan siya ang itinanghal na Best Dressed Female Star of the Night sa GMA Gala 2025.
Samantala, ang pinaka-patok na GRWM video ay mula sa Kapuso Royal Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa video, nakisali sa kulitan ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto, kaya naman umabot na sa halos 3 million views ang kanilang viral GRWM video.
Nagsama-sama ang biggest Kapuso stars at personalities noong Sabado, August 2 sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Marriott Hotel Manila sa Pasay City na isang engrandeng pagtitipon na nagsilbi ring selebrasyon ng ika-75 anibersaryo ng GMA Network. Samantala, tingnan naman dito ang stunning looks sa nagdaang GMA Gala 2025: