
Star-studded ang huling araw ng Summer Fashion Week ng local lifestyle brand na Bench nitong nakaraang Linggo, March 10.
Dahil mala-'60s classic ang tugtugan sa runway, masayang sumayaw habang rumarampa ang action prime hero na si Ruru Madrid, na sinundan rin ng kaniyang celebrity girlfriend na si Bianca Umali.
Sa isang panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng real-life couple ang kanilang karanasan sa fashion week.
Ang sabi ni Ruru, "This is actually the first time na nagsasayaw kami while walking like usually syempre fierce [at] maangas. But this time sobrang saya dahil may pa-dance moves pa kami."
Kuwento rin ni Bianca na natuwa siya sa energy ng runway at sa kasiyahan ng mga manonood.
"Napakaganda, Tito Lhar, ng energy ng runway ngayon. I love that everyone is enjoying. the audience were so happy and that's all that matters," sabi niya.
Kasama rin sa runway ang Pambansang Ginoo na si David Licauco, na all smiles naman habang rumarampa.
Kuwento ni David,"Masaya, nagulat ako na ang daming tao. Ang sarap nung energy [sa runway], e, like, nadala ako sa crowd, nadala ako sa energy ng lahat ng tao kaya napaka saya ko."
Maliban sa kanila, masayang rumampa rin ang mga Sparkle stars na sina Sophia Pablo, Allen Ansay, Anjay Anson, Rere Madrid, Dustin Yu, at Luis Hontiveros.
Ang groovy runway ay lalong uminit nang rumampa na ang hot at beach-ready Kapuso stars na sina Celeste Cortesi, Bruce Roeland, Michelle Dee, at Max Collins.
Sa kaniyang panayam, natuwa raw ang beauty queen na si Michelle sa energy ng mga tao, tila'y hindi rin siya makapaniwala sa nangyayari sa runway.
"You know the energy today was unreal, ang saya. Pinapawisan na po kaming lahat kasi ganun kami kasaya sa stage," sabi niya.
Kasunod nila ang mga Kapuso hunks na sina Abot-Kamay na Pangarap star Jef Moses at new generation Sang'gre na si Kelvin Miranda.
Hindi rin nagpahuli ang Kapuso star na si Gabbi Garcia, na rumampa sa runway ng dalawang beses.
Sa hiwalay na panayam, masayang sinabi ni Gabbi "I'm just so excited to create new things with them and to collaborate with them."
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG MGA LARAWAN MULA SA NATURANG EVENT DITO: