
Naghahanda na ang ilang Kapuso stars para sa Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso na gaganapin mamayang gabi sa Seaside Boulevard sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Sa live report ni Bea Pinlac sa Unang Hirit kaninang umaga, may patikim siya sa iba't ibang pakulo na aasahan ng mga pupunta sa Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso.
Ipinakita sa Unang Hirit kung paano naghahanda sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, at marami pang iba para sa kanilang production numbers mamayang gabi.
Magpapasaya rin ang ilang PPop superstars gaya ng SB19 sa Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso, na bukas sa publiko.
Magbubukas ang gates mamayang ala-6 ng gabi samantalang magsisimula ang on-group show kasama si Jennie Gabriel ng 8:30 p.m.
Ang main show ay magsisimula ng 10:30 p.m. at mapapanood ito nang live sa GMA, GMA Network YouTube channel, at sa iba pang social media sites ng GMA Network.