What's Hot

Kapuso stars, nagpahayag ng suporta kay Kuya Germs

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 25, 2020 3:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Warriors' Steve Kerr to ponder future for a week or two
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila
Huwag Kang Titingin | Princess Aliyah and Fred Moser

Article Inside Page


Showbiz News



Bumuhos ang suporta para kay German Moreno mula sa mga kasamahan niya sa showbiz. 
By CHERRY SUN
 
Kilala ang batikang host at manager na si German Moreno sa tawag na Kuya Germs. Pero para sa ilan sa mga kasamahan niya sa showbiz, “tatay” ang turing nila sa Master Showman.

Kaya naman ngayong bumubuti pa lamang ang lagay ni Kuya Germs matapos ma-stroke ay bumuhos ang mga mensahe ng suporta mula sa mga kabataang kanyang natulungan at patuloy na tinutulungan.
 
Kabilang dito si Manila Vice Mayor Isko Moreno na nagsimula sa dating Filipino youth-oriented talent and variety show na That’s Entertainment.
 
Ani Vice Mayor Isko, “I hope madali po kayo maka-recover. Gusto lang po naming ipabatid sa inyo na mahal na mahal po namin kayo.”
 
“Kung hindi po sa inyo siguro, malamang wala rin po ako sa kinalalagyan ko ngayon at iba pang bata at iba pang kilalang superstar ngayon,” pasasalamat niya.
 
Nagbahagi rin ng mensahe ang ilang Kapuso teen stars.
 
“Tatay, magpagaling ka dahil alam mo na ‘yung mga anak mo na-mi-miss ka na, lalo na namin nina Derrick,” pahayag ni Kristoffer Martin.
 
Paalala ni Joyce Ching, “’Wag pong pasaway. Kung ano'ng pinapa-inom ng doktor at kung ano kailangan gawin, gawin mo lang po.”
 
“I’m sure, knowing you personally, ‘yung lakas ng loob mo, ‘yung determinasyon mo to fight sa lahat ng dapat labanan ay kayang kaya mo ‘yan. I’m sure, you’re very strong. Get well soon, ‘tay,” sabi naman ni Alden Richards.
 
“’Tay, magpagaling ka na dahil maraming naghihintay sa ’yo. Maraming kabataan ang naghihintay sa ’yo, miss na miss ka na namin. Kahit na ilang araw ka pa lang namin hindi nakikita,” pagtatapos ni Ken Chan.