
Nagkaroon ng ultimate fan bonding ang ilang mga Kapuso stars mula sa iba't ibang shows sa Kapuso Chill Fest noong weekend.
Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, Lunes, February 10, mas lalong nadama ang excitement at kilig ng mga fans nang mag-perform ang cast ng Lolong: Ang Bayani ng Bayan, My Ilonggo Girl, at MAKA.
Nagbigay rin ng detalye ang mga bida sa mga aabangan sa kanilang series.
Lumakas ang mga tili ng mga fans nang lumabas ang bida ng Lolong na si Ruru Madrid. Naghatid rin ng kilig performances ang ibang cast katulad nina Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, Mikoy Morales, at Paul Salas.
"Oras na ng paniningil ng mga rebeldeng atubaw. Abangan po natin kung paano sila maglalaban-laban. This week, mapupuno po ito ng aksyon," pahapyaw na ikinuwento ni Ruru ang gumagandang takbo ng kuwento ng Lolong.
Nadoble naman ang kilig nang mag-duet ang My Ilonggo Girl stars na sina Michael Sager at Jillian Ward. Nagkaroon rin ng surprise sa dalawa na birthday cake dahil pareho silang February birthday celebrant.
Supportive rin ang co-stars nina Jillian at Michael na sina Yasser Marta at Vince Maristela sa kanilang tambalan.
Samantalang, sabi naman ni Jillian tungkol sa serye ay masalimuot ang mga susunod na mangyayari pero kaabang-abang daw ang mga twist sa kuwento.
Hindi rin nagpahuli ang halos kumpletong cast ng MAKA sa pangunguna ni Zephanie.
Patuloy namang makaka-relate ang mga kabataan sa patuloy na nakakapanabik na pinagdadaanan ng mga bida sa istoryang pangkabataan ng serye.
Sabi ni Zephanie, "Mayroon tayong mararanasan na hindi natin naranasan noong season 1."
Tingnan dito ang mga Kapuso shows na dapat abangan ngayong 2025: