What's Hot

Kapuso stars, nakisaya sa T'Nalak Festival at founding anniversary ng South Cotabato

By Kristine Kang
Published July 25, 2026 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DFA: Philippine goods not made with forced labor amid new US tariff
Moviegoers are turning to Google Search after seeing 'The Odyssey'
Rain or shine, ImmuniPlus encourages daily wellness

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso stars in South Cotabato


Puno ng energy ang performances ng Kapuso stars sa Kapuso Fiesta Congressional Night!

Kasing saya at makulay ng piyesta ang hatid na aliw ng ilang Kapuso stars sa back-to-back celebrations sa South Cotabato.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60th Founding Anniversary at 27th T'Nalak Festival, masayang nakisaya ang mga Kapuso sa Kapuso Fiesta Congressional Night.

Nagpakitang-gilas ang Sparkle's youngest P-pop group na Cloud 7 sa kanilang dance performances.

Labis ang pasasalamat ng grupo sa mainit na suporta ng mga Kapuso.

"Grabe po talaga 'yung pag-welcome nila. Ganoon pa rin po talaga kainit," pahayag ni Kairo sa panayam ng GMA Regional TV.

"Dahil po doon, na-translate po namin 'yun sa performances po namin," dagdag ni Lukas.

Naghanda rin ng nakakakilig at masasayang stage numbers ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition alumni na sina Vince Maristela, AZ Martinez, at Sofia Pablo.

"Vocal lessons, 'di joke lang," biro ni Sofia. "Nag-ipon po kami ng energy para 'pag nag-perform kami, all-out."

Dagdag ni Vince, "Mentally prepared ka, 'pag pupunta ka ng stage at mag-perform sa lahat ng tao."

Hirit naman ni AZ, "Pinaghirapan ko 'yung vocal rest ko. Joke lang. Nag-beauty sleep lang kami kanina. Chikahan sa morning."

Hindi rin nagpahuli sa kasiyahan ang cast ng The Master Cutter na sina Prince Carlos, Shuvee Etrata, at Anthony Constantino.

"Sobrang nakakataba ng puso na sinusuportahan n'yo kami," sabi ni Prince.

"It's a surreal moment na magbalik ako para mag-perform. Kaya masaya ako," ani Shuvee sa Bisaya.

Mas lalo namang naging masaya ang selebrasyon nang umakyat din sa stage ang Kera mula sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, si Rhian Ramos.

"Akala ko masasama kayong lahat pero okay naman pala. Kaya hindi na galit si Mitena," biro ng aktres.

Sa Instagram, ibinahagi rin ng GMA Regional TV ang highlights ng event.

"One unforgettable night, one incredible Kapuso celebration! From electrifying performances to memorable fan moments, the stars came together for an epic groufie with the thousands of Kapuso fans who filled the venue during the Kapuso Fiesta Congressional Night, celebrating the vibrant T'nalak Festival. Thank you for making the Kapuso Fiesta Congressional Night a night to remember!" ani nila sa captions.

Samantala, tingnan ang fun at memorable experience ng Kapuso stars sa Dinagyang Festival 2026, dito: