Celebrity Life

Kapuso stars, patuloy na nag-a-adapt sa new normal ng showbiz

By Dianara Alegre
Published July 15, 2020 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara Michael V and Gabbi Garcia


Ilang Kapuso stars, nagbahagi ng kanilang work from home setup bilang bahagi ng new normal ng showbiz.

Muli nang umere sa telebisyon ang Sunday noontime show na All-Out Sundays at ibinahagi ng ilang Kapuso stars at hosts nito ang kanilang mga work home from setup.

Doon umano nila napagtanto na mahirap mag-set up for tapings lalo na dahil hindi naman nila ito ginagawa noon.

Ayon kay Ken Chan, ginawa raw umano nila ang best nila para makapag-produce ng magandang content.

“Sobrang nag-exert kami ng effort kaming mga artista and lahat ng production ng 'All-Out Sundays' talagang pinaghandaan. For us, mas mahirap itong gawin kasi magkakahiwa-hiwalay kami,” aniya.

Pero kahit mahirap ay na-enjoy naman daw ito ni Kyline Alcantara.

“Kailangan namin maghanap ng magandang shot, magandang space rito sa bahay para sa kung saan kami magus-shoot. Mahirap pero na-enjoy ko,” aniya.

LOOK: Celebrities and their work-from-home setups

Apps that will make work-from-home a lot easier

I got a mind full of unsaid things.

Isang post na ibinahagi ni Kyline Alcantara 🤍🤎✨ (@itskylinealcantara) noong

Para naman kay Comedy Genius Michael V, kailangan umano ng mga artista na seryosohin ang new normal ng showbiz.

“Now more than ever, kaming mga artista, kailangan namin talagang seryosohin 'yung work from home. Alam ng marami na medyo mahirap lalo na sa mga taga-showbiz itong nangyayari sa mundo. Hindi kasi normal sa amin 'yung mag-taping o mag-shooting mag-isa,” lahad niya.

MONDAY FUN DAY! K'wento ko lang, planning on doing another PREMIERE for #BitoyStory 27. E nag-public for a few seconds! Ayun, hindi ko nabawi agad. 😣 Anyway, I scheduled it as usual, Monday at 10:30am.😬 Hope you get a glimpse of my “WORK FROM HOME” setup and situation. Nasa vlog din 'yung inaantay n'yong GIVEAWAY so... ENJOY!

Isang post na ibinahagi ni Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) noong

Para naman kay Global Endorser Gabbi Garcia, natutuwa siya na marami siyang natututunang habang nagtatrabaho remotely nang mag-isa.

“Kami-kami lang din nagte-tape, nagre-record ng sarili naming mga boses, so ang dami rin naming bagong natututunan and we have to adapt,” aniya.

How to work from home: remote work tips from experts

How to cope with work-related stress during the pandemic

omg I appeared on tv today, working!! Huhu I missed this 🥰

Isang post na ibinahagi ni Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) noong

Muling napanood ang All-Out Sundays sa telebisyon nitong Linggo, July 12.