
Naging emosyonal ang Halloween at All Souls Day Special ng All-Out Sundays dahil sa tribute ng Kapuso singers kasama si Concert Queen Pops Fernandez para sa mga yumaong healthcare frontliners.
Saad ni Pops, "Kahit nababalot tayo sa dilim, may mga bayani na nagsisilbing ilaw. Binigay nila ang lahat ng makakaya nila para tumulong, pati na rin ang kanilang mga buhay. Kaya nag-alay ang All-Out Sundays ng araw para gunitain ang kanilang kabayanihan."
Nagpasalamat din si Pops sa lahat ng mga frontliners, pati na rin ang mga nasa labas ng medical field, "Na-aaffect pa rin ako, at talaga pong nagpapasalamat kami sa lahat po ng mga frontliners. Sila po ang mga unang nagpakita ng kanilang heroism, at dahil po sa kanila marami pong natuliungan at na-save na lives. So maraming maraming salamat po sa inyo. Nagiging magaan ang mga buhay natin dahil sa ating mga frontliners.
"Hindi lang 'yung mga doctor, hindi lang 'yung mga nurses, 'yung mga nag-da-drive rin po at nag-de-deliver, lahat po 'yan, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
Naging guest judge din nitong nakaraang Linggo si Pops sa The Clash kung saan namangha siya sa talento ng mga finalists. "Ang masasabi ko lang ang mga bata po magagaling pero magagaling din ang mga nasa The Clash, ibang klaseng level naman po. At ang saya kasama ko si partner Aiai at 'yung iba pa naming mga kasama sa The Clash.
Panoorin: