GMA Logo Nino Muhlach Patricia Coma Keisha Serna
What's Hot

Kapuso stars, pinasaya ang mga lola sa isang charity event

By Maine Aquino
Published October 2, 2023 5:33 PM PHT
Updated October 2, 2023 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Nino Muhlach Patricia Coma Keisha Serna


Nagsama-sama ang Kapuso stars para mag-perform sa mga lola sa San Juan City.

Magkakasamang nagbigay saya sa mga lola ang Sparkle artists na sina Elijah Alejo, Keisha Serna, at Patricia Coma sa Little Sisters of the Abandoned Elderly sa San Juan City.

Nakasama rin nila noong September 30 ang Kapuso star na si Niño Muhlach at Barangay LS 97.1 DJ na si Papa Dudut.

Nino Muhlach

Bukod sa programang kanilang inihanda, kasama ng Kapuso Brigade, naghandog rin sila ng ilang regalo, at salo-salo para sa mga lola.

Saad ni Niño ay naimbitahan siya para mabisita ang mga lola at masaya siya na nakapagbigay siya ng saya at regalo sa kanila.

"Lahat ng pagkakataon basta makakatulong tayo, or makakapagbigay tayo ng kasiyahan, talagang I make sure na pinupuntahan ko 'yung mga 'yun."

Masaya naman si Keisha na makita ang ngiti ng mga lola sa kaniyang performance.

Saad ni Keisha, "Super saya po na nakita ko smiles nila habang kumakanta po ako para sa kanila."

Samantala, si Patricia naman ay masaya siyang may nakisayaw na mga lola sa kaniyang performance.

Aniya, "It was really fun. May mga lola na mga sumasayaw, so ang saya, 'di ba?"

Si Papa Dudut ay nagdala ng kaniyang regalo mula sa kaniyang food business na Papa Dudut Lechon Manok. Ayon sa Kapuso DJ, "Masayang-masaya kami na maging bahagi ng ganitong event."

SAMANTALA, BALIKAN ANG GINAWANG CHARITY EVENT NG SPARKLE NOONG FIRST ANNIVERSARY NITO: