GMA Logo Aiai delas Alas Julie Anne San Jose Christian Bautista
What's Hot

Kapuso stars, sanib-puwersa sa online benefit concert para sa anak ni Super Tekla

By Cherry Sun
Published July 6, 2020 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas Julie Anne San Jose Christian Bautista


Kabilang sina Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose at Christian Bautista sa Kapuso stars na magpe-perform sa benefit concert para sa anak ni Super Tekla. Panoorin ang 'One Heart for Baby Angelo' ngayong Martes, July 7!

Sanib-puwersa ang Kapuso stars upang tulungan si Super Tekla at ang kanyang baby Angelo sa pamamagitan ng isang online benefit concert, ang 'One Heart for Baby Angelo.'

Nitong Hunyo ay mabigat na ibinalita ni Super Tekla ang maselang kalagayan ng kanyang bagong silang na anak. Ipinanganak kasi si baby Angelo na may anorectal malformation o walang butas ang puwit at nangangailangan ang bata na sumailalim sa ilang operasyon.

Sa kabila ng COVID-19 crisis, magsasama-sama online ang paborito nating Kapuso artists upang maghatid ng tulong sa TBATS host.

Mapapanood ang 'One Heart for Baby Angelo' bukas, July 7, 2020 8 P.M. via livestream sa GMA Network YouTube channel at sa Facebook pages ng GMA Network, Artist Center, at YouLol.

Sina Glaiza de Castro at Boobay ang magsisilbing moderators o host ng naturang benefit show. Samantala, papangunahan naman nina Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose, at Christian Bautista ang programa.

Magpe-perform din sina Kyline Alcantara, Ken Chan, Rita Daniela, Kristoffer Martin, EA Guzman, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Golden Cañedo, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, Jeniffer Maravilla, Boobsie, Kim Idol at Yasmien Kurdi.

Maliban sa mga nabanggit na Kapuso stars, nangako rin si Willie Revillame na tutulungan ang kanyang dating Wowowin co-host.

Kasalukuyang nananatili sa ospital si baby Angelo matapos ang kanyang una at matagumpay na operasyon noong June 26. Siya ay muling sasailalim sa isa pang operasyon ngayong Martes.