
The reviews are in!
At iisa ang masasabi ng celebrities at VIPs na nakapanood ng exclusive premiere ng special edit ng first three weeks ng live-action adaptation series ng Voltes V: Legacy na idinaos sa SM North EDSA The Block Cinema 3 noong Martes, April 19.
Dinaluhan ang star-studded event ng ilan sa pinakamalalaking bituin ng GMA-7 at top executives. At present din ang cast sa pangunguna nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, at Matt Lozano.
Kasama rin sa dumalo ang highly-respected director ng live-action series na si Mark Reyes.
Sa ulat ng Chika Minute, lubos na humanga ang mga Kapuso celebrities sa kalidad na napanood nila.
Lahad ni Underage star Elijah Alejo, “Kinikilabutan po talaga ako all throughout the movie.”
Sinabi naman ng Open 24/7 actress na si Sofia Pablo na “worth it” ang mapanood ang Voltes V: Legacy sa big screen. Aniya, “Nakita naman natin na worth it mula trailer hanggang 'yung effects. Hanggang theme song ni Ate Julie [Anne San Jose].”
Dagdag naman ng kapareha niya na si Allen Ansay, “Na-excite po ako. Actually, 'yung tatay ko saktong-sakto uuwi siya from Philippines, saktong-sakto ipapalabas 'yung Voltes V [Legacy], e, panahon niya yan.”
Spotted din sa event si Jeric Gonzales at girlfriend niya na si TicktoClock host Rabiya Mateo.
Ayon kay Jeric, “maganda” at “world class” ang Voltes V: Legacy at sinegundahan naman ito ni Rabiya na sinabing, “Ang taas ng expectations namin, pero mas itinass pa po nila nung napanood na namin kanina.”
Get ready to volt in! At mapapanood n'yo na ang Voltes: Legacy simula May 8 sa GMA Telebabad.
HETO ANG ILAN SA MGA EKSENA NA NA-MISS N'YO SA VOLTES V: LEGACY MEDIA CON AT PREMIERE NIGHT DITO: