
Ilang Kapuso stars ang nagpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.
Kasama sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Betong Sumaya, at ilan pang Sparkle artists sa mga nakibahagi sa Operation Bayanihan: Bagyong Kristine Telethon nitong Biyernes.
Sina John Vic De Guzman, Charlie Fleming, Javi Valdes, Maika Kemmochi, Herlene Budol, at Kim Perez naman ay tumulong sa repacking ng relief goods sa Kapuso Foundation para sa mga biktima ng bagyo.
Kabilang ang Batangas, Bicol Region, Cavite, Eastern Visayas, Metro Manila, Isabela, at Quezon Province sa mga tinaman ng hagupit ng Bagyong Kristine. Nasa 46 na ang nadeklarang nasawi dahil sa bagyo.
TINGNAN PA ANG ILANG CELEBRITIES NA HUMINGI NG TULONG PARA SA NAAPEKTUHAN NG BAGYO