What's Hot

Kapuso stars, wagi sa 32nd PMPC Star Awards for TV

By Jansen Ramos
Published October 15, 2018 12:35 PM PHT
Updated October 15, 2018 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Gabby Eigenmann, at iba pang Kapuso stars, nagpaabot ng pasasalamat para sa mga karangalang nakamit nila mula sa 32nd PMPC Star Awards for TV.

Pinarangalan ang ilang Kapuso stars and personalities sa ginanap na 32nd Star Awards for TV kagabi, October 14, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University. Ito ay inorganisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Wagi sina Maine Mendoza at Alden Richards bilang Best Female at Male TV Host para sa Eat Bulaga. Best New Male TV Personality naman Tenten Mendoza, o mas kilala sa pangalan na Kendoll, sa longest running noon time show.

Alden Richards wins Best Male TV Host at tonight's 32nd PMPC Star Awards for Television! ✨ Congratulations, Alden!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on


Ipinahayag ni Ruru Madrid sa Instagram ang kanyang pasasalamat sa PMPC at sa GMA matapos parangalan ng Best Single Performance by an Actor award para sa drama anthology na Magpakailanman. Nakamit din ni James Blanco ang parehong award para sa Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN).

Ani Ruru, "A validation of my work as an actor. Thank you PMPC for the Best Single Performance by an Actor award."

"Ako'y lubusan din na nagpapasalamat sa @gmanetwork sa tiwala na binibigay niyo sa akin , sa @artistcenter sa pagaalaga sa akin , Nagpapasalamat din ako sa lahat ng bumubuo ng Magpakailanman mula sa aming director @rechie at sa kanyang grupo maraming salamat po!"

A validation of my work as an actor. Thank you PMPC for the Best Single Performance by an Actor award. Ako'y lubusan din na nagpapasalamat sa @gmanetwork sa tiwala na binibigay niyo sa akin , sa @artistcenter sa pagaalaga sa akin , Nagpapasalamat din ako sa lahat ng bumubuo ng Magpakailanman mula sa aming director @rechie at sa kanyang grupo maraming salamat po! RuruNatics salamat din sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa akin sa aking Pamilya Dada,Mama,Rara,Rere at sa mga Tito,Tita mga pinsan at pamangkin ko maraming salamat sa inyo kayo ang nagsisilbing inspirasyon ko sa araw-araw at higit sa lahat ang Ama na nasa langit Maraming Salamat po sa lahat lahat lahat :)

A post shared by RURU MADRID (@rurumadrid8) on


Nakamit ni Seth Dela Cruz ang Best Child Performer para sa afternoon drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Best Drama Supporting Actor naman si Gabby Eigenmann para sa Contessa,

Seth Dela Cruz receives Best Child Performer at tonight's 32nd PMPC Star Awards for Television! ✨ Congratulations, Seth!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

Thank you PMPC for this recognition. Thank you to my @gmanetwork family, sa mga boss ko, creative team and writers salamat sa tiwala... to my Contessa Family co actors, staff and crew sulit ang pagod at hirap natin..and to my PPL family.. my manager @ppl_perrylansigan thank you for always believing in me.. para sayo to kasi bday mo na.. to my rm @ppl_christianmartin salamat sa tyaga. Its a tie. To my family @appleseigenmann @josheigenmann @gabbieeigenmann @liameigenmann @mattieigenboy and the rest of my Eigenmann family, you are my inspiration.. i love you all. Maraming salamat din sa mga sumusuporta sa lahat ng mga ginagawa kong proyekto you guys are the best.. And to our LORD and savior Jesus Christ i will forever be grateful🙏🏻🙏🏻🙏🏻 #showsomeppllove #contessa #gmanetwork #32ndpmpcstarawardsfortv2018 #tgbtg

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on


Back-to-back winners si Kyline Alcantara at beteranang aktres na si Lorna Tolentino ng Best Drama Supporting Actress award.

Ani ng teen actress, ni hindi raw sumagi sa kanyang isip na makatanggap ng isang acting award kaya lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.

Ayon sa kanyang Instagram post, ito ang kanyang first acting award.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Una sa lahat gusto ko pong pasalamatan ang Panginoon for this-- my first ever acting award.

"Pangalawa po ang buong pamunuan ng PMPC for giving me this award, last year never in my wildest dreams na naisip ko po na mananalo ako ng ganitong award.

"Pangatlo, sa GMA Network po for giving me the chance to act again at sa tiwala na binigay sa akin po.

"Syempre sa aking mga Sunflowers , kung wala sila wala din po ako dito. Mahal na mahal ko kayong lahat."

Ibinahagi rin ni Kyline ang kanyang award sa bumubuo ng hit teleseryeng Kambal, Karibal, kung saan siya nakilala bilang dramatic actress.

"At, huli po gusto ko din pong kuhain ang pagkakataon na ito para pasalamat ang lahat ng bumubuo ng Kambal Karibal, sobrang laki ng pasasalamat ko po sa KK dahil kung ano man po ang meron po ako ngayon malaking bahagi po noon ay dahil sa break na binigay sa akin ng Kambal Karibal kaya naman gusto ko po ibahagi ang award na ito sa mga kasama ko po sa KK."

Magandang gabi po sa inyong lahat. Una sa lahat gusto ko pong pasalamatan ang Panginoon for this-- my first ever acting award. Pangalawa po ang buong pamunuan ng PMPC for giving me this award, last year never in my wildest dreams na naisip ko po na mananalo ako ng ganitong award. Pangatlo, sa GMA Network po for giving me the chance to act again at sa tiwala na binigay sa akin po. Maraming, maraming salamat po sa opportunity na binigay niyo po sa akin, gusto ko din po pasalamat ang Aking support team,my family sa walang hanggang suporta, kila Tito Manny, Tito Lhar, Tito Lito and Tito Glenn, sa aking GMA Artist Center family, Ms. Gigi and Boss Vic, ate Molly. Syempre sa aking mga Sunflowers 🌻, kung wala sila wala din po ako dito. Mahal na mahal ko kayong lahat. At, huli po gusto ko din pong kuhain ang pagkakataon na ito para pasalamat ang lahat ng bumubuo ng Kambal Karibal, sobrang laki ng pasasalamat ko po sa KK dahil kung ano man po ang meron po ako ngayon malaking bahagi po noon ay dahil sa break na binigay sa akin ng Kambal Karibal kaya naman gusto ko po ibahagi ang award na ito sa mga kasama ko po sa KK. Sa direktor po namin, DMP. our second unit director, Direk Jorron. our PM, Ms Camille. Our EP, Ms. Joy. Sa Pa's, the creative team, Writers, staff, crew, utility, sa whole production team po namin. At syempre sa mga co-artists ko po, sa atin pong lahat itong award na ito. ❤️ Back to back with the one and only, Ms. Lorna Tolentino. ✨

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on


Samantala, inihahandog naman ni Yasmien Kurdi ang kanyang pagkapanalo bilang Best Drama Actress para sa advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa mga biktima ng HIV.

Sulat niya sa Instagram, "There's just so much love around, thank you PMPC Star Awards with all my heart.

"I hope in our own little ways we send tiny ripples of hope and love to those people living with HIV. To God be the glory. I love you all!"

There's just so much love around, thank you PMPC Star Awards with all my heart. I hope in our own little ways we send tiny ripples of hope and love to those people living with HIV. To God be the glory. I love you all! #Advocaserye #hindikokayangiwanka #PMPCStarAwards #BestDramaActress

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on


Nagwagi rin si My Special Tatay star Ken Chan ng dalawang special award. Nakamit niya ang Male Face of the Night at Male Celebrity Star of the Night.

Ilang Kapuso personalities din ang pinangaralan sa larangan ng news ang public affairs.

Iginawad kay Arnold Clavio ang News and Public Affair Excellence Broadcasting Lifetime Achievement Award.

Nominated din ang batikang journalist bilang Best Male Newscaster (Saksi) at Best Celebrity Talk Show Host (Tonight with Arnold Clavio).

Sabi niya sa Instagram, "Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa amin at sa aming manonood (GMA7) at mga nakininig (@dzbb594). Para sa inyo ito mga 'iGan."

Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sa karangalan na Excellence in Broadcasting Life Achievement Award sa taong 2018 at sa dalawa pang nominasyon (Best Male Newscaster- SAKSI) at (Best Celebrity Talk Show Host-Tonight with Arnold Clavio). Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa amin at sa aming manonood (GMA7) at mga nakininig (@dzbb594). Para sa inyo ito mga 'iGan. #thankyoulord #journalist #broadcaster #awards #pmpc #blessings

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan) on


Best Public Service Program Host si Vicky Morales para sa Wish Ko Lang; at Best Male Newscaster naman si Raffy Tima para sa Balitanghali (GMA News TV). Nakamit din ni Ricky Reyes ang Best Lifestyle Show Host award.

Narito ang listahan ng mga programang pinarangalan sa 32nd PMPC Star Awards for TV:

Best Variety Show: Sunday Pinasaya

Best Comedy Show: Pepito Manaloto

Best Daytime Drama Series: Contessa

Best Lifestyle Show: The World of Gandang Ricky (GMA News TV)

Congratulations, mga Kapuso!