Kinilala ang husay ng ilang Kapuso stars sa ginanap na 31st Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies noong March 8 sa The Theater, sa Solaire Resort & Casino, Paranaque City.
Pinarangalan ang Kapuso child star na si Miggs Cuaderno bilang Movie Child Performer of the Year para sa kanyang pagganap sa pelikulang Asitando. Nag-tie sila sa kategoryang ito ni Bimby Yap na gumanap naman sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin 2.
Itinanghal naman ang kantang "Sige lang nang sige" bilang Indie Movie Original Theme Song of the Year para sa pelikulang Hari ng Tondo. Ang awit ay binigyang-interpretasyon nina Kapuso artist Rafa Siguion-Reyna atAng Lihim ni Annasandara star Cris Villonco.
Tumanggap din ng special awards ang ilang personalidad mula sa Kapuso network.
Kinilalang Darling of the Press ang 24 Oras news anchor na si Vicky Morales. Iginawad naman ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay Ms. Celia Rodriguez at ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award kay Pari ‘Koy director, Maryo J. Delos Reyes.