Article Inside Page
Showbiz News
Ano kaya ang ginagawa ng Kapuso teen stars upang makapaghatid ng tulong sa mga nabiktima ng Bagyong Yolanda?

Malakas ang hagupit ng Bagyong Yolanda, at nakalulungkot isipin na ang mga kababayan natin sa Visayas ang lubos na naapektuhan nito. Sa kabila ng unos na ito, isang bayan tayong aahon. Walang iwanan sa ating pagbangon.
Kahit sino ay maaaring tumulong kahit sa maliit na paraan.
Ano kaya ang ginagawa ng Kapuso teen stars upang makapaghatid ng tulong sa mga nabiktima ng Bagyong Yolanda?
Barbie Forteza: “Nag-telethon po ako, tapos pinaplano ko sanang sumama sa mga nagre-repack ng mga reliefs kasi first time ko lang din gagawin iyon. Ang telethon, pangalawang beses na, and feeling ko mas makakatulong ako sa pagre-repack.”
Bea Binene: “I offered my birthday celebration to the Yolanda victims at nagsabi ako sa mga sponsors ko to help. Nagulat din po ako kasi sobrang unexpected na magdo-donate sila, so very, very thankful ako. ‘Yung Tweens din po nagpaplano na mag-garage sale, tapos gusto kong mag-auction sa online store ko sa Instagram tapos gusto ko ring mag-telethon. Simple things din like to keep people updated. Nagpo-post ako kung ano’ng dapat gawin, ‘yung mga emergency numbers at kung ano ‘yung kailangan talaga ng mga nasalanta ng bagyo. Of course, prayers.”
Louise delos Reyes: ‘Yung sa Sayaw Pilipinas [na fund-raising activity] part po ako nun, sa
Sunday All Stars family at dito sa Tweens. Nagpaplano kami magkaroon ng garage sale because we are blessed na hindi tayo masyadong naapektuhan ng Yolanda at blessed din kami na mayroon kaming damit araw-araw at makakain araw-araw. Paano naman ‘yung mga kababayan natin sa Visayas na nasalanta? Gusto namin na ibahagi kahit ‘yung kaunti na maitutulong namin.
Joyce Ching: “Nagpaplano po kaming mga Tweens ng garage sale kasama po si Direk Gina [Alajar]. Sobrang thankful po kami na hindi kami naapektuhan kaya might as well, tumulong na lang kami sa kung sino man ang nangangailangan.”
Yassi Pressman: “Nanalo po ang Instagang at ako [as Best Performer] sa SAS [Sunday All Stars]. Nag-donate po kami para sa victims. This November 20 po, ini-invite ko po kayo sa Zirkoh. Marami po kaming magshoshow. Nariyan po sina Mark Herras, Julian Trono at marami pang iba. Lahat po ng makukuha namin, ido-donate po namin. Marami po kami. Siguro po, nasa fifteen ang performers. Aasahan po namin kayo.”
Krystal Reyes: “Sobrang dami pong naapektuhan kaya kahit maliit na paraan lang po, may magawa po kami para matulungan sila kaya go po kami sa garage sale. Si Joyce [Ching] po ang nakaisip tapos sinabihan po niya kami sa Viber group naming Tweens.”
Para sa inyong mga pledge at donation, tumawag lamang po sa Operation Bayanihan Telethon hotline sa numerong 981-1950.
Maaari nyo rin pong dalhin ang inyong donations sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation sa 2nd Floor Kapuso Center, GMA Network Drive cor. Samar St. Diliman, Quezon City. Maaari din pong magtungo sa GMA Kapuso Foundation Warehouse na matatagpuan sa #366 GMA compound, Tandang Sora Ave., Brgy. Culiat, Quezon City.
Para sa updates tungkol sa mga relief operation efforts ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lamang sa
www.gmanetwork.com.
– Text by Samantha Ann Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com