
Talaga namang puno ng twists at surprises sa Bahay Ni Kuya.
Sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na ipalalabas ngayong Miyerkules ng gabi, January 14, makikilala na ang Kapuso wildcard housemate na muling magbabalik sa iconic house.
Sabay na sasalang sa isang challenge ang Sparkle stars na sina Anton Vinzon at Marco Masa, at dito malalaman kung sino sa kanila ang muling magiging official housemate.
Sino kina Anton at Marco ang gusto mong magkaroon ng pagkakataon na maipagpatuloy ang kanyang journey sa Big Brother House? Sagutan ang poll sa ibaba.
RELATED CONTENT: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Samantala, sa nakaraang episode ng teleserye ng totoong buhay, inanunsyo ni Kuya na si Eliza Borromeo ang Kapamilya housemate na magbabalik sa kanyang bahay.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya. Abangan lang ang All-Access Livestream.