
Maghaharap ang powerhouse journalist na si Kara David at globally acclaimed foodie na si Abi Marquez ngayong Lunes sa Family Feud!
Ngayong June 15, siguradong kaabang-abang ang fresh episode ng Family Feud dahil sa sagupaan ng Team David at Team Backyardigan.
Pinangungunahan ng award-winning broadcast journalist, celebrated television host, at journalism professor sa University of the Philippines Diliman College of Media and Communication na si Kara David ang Team David. Kasama niya ang kanyang asawang si LM Cancio, isang seafarer, singer-songwriter, at guitarist. Kumukumpleto sa kanilang team ang kapatid ni Kara na si Prof. CP David, isang Geology at Environmental Science professor sa UP at kasalukuyang DENR Undersecretary for Integrated Environmental Science, kasama ang kanyang asawang si Ani Almario-David, educator at co-founder ng isang progressive school.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, dala naman ng Team Backyardigan ang kanilang world-class culinary credentials at masayang energy. Nangunguna rito si Abi Marquez, mas kilala bilang "Lumpia Queen," na kamakailan ay kinilala bilang Food Creator of the Year sa WIBA Awards noong 2025 Cannes Film Festival.
Makakasama rin niya ang kapwa food content creators at podcasters na sina Gio Kawachi, associate editor ng isang sikat na food vlog; Diana Ong, stand-up comedienne mula Pagsanjan, Laguna; at Leland Lim, comic at host mula Meycauayan, Bulacan.
Kaninong team ang mananaig? Tutukan ang fresh episode ng Family Feud ngayong June 15, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.