
Labis ang tuwa ng award-winning Kapuso broadcast journalist na si Kara David nang makita sa personal ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata.
Sa Facebook post ni Kara, in-upload niya ang kanyang video sa loob ng studio ng 24 Oras kung saan naroroon si Shuvee.
Sa pagkikita nina Kara at Shuvee, nagyakapan ang dalawa at makikita ang pagluha ng kilalang news personality.
Sabi pa ng broadcast journalist, "Every day bumoboto ako sa 'yo."
Biro pa niya, "Kulang pala yung budget ko! Ha-ha!"
Bukod dito, nagpa-picture rin si Kara sa tinaguriang Island Ate ng Cebu.
“My ShuKla [heart] is so happy. Sobrang humble ni Shuvee. Thank you, Shuvee and Klang. Mahal namin kayo,” sulat niya sa caption.
Related gallery: Shuvee Etrata's grand homecoming moments on Unang Hirit:
Matatandaan na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman ang latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Kabilang si Kara sa mga naapektuhan sa pagka-evict ng ShuKla at ibinahagi niya ang kanyang damdamin sa pag-alis ng mga ito sa Bahay ni Kuya.
"Sobrang lungkot. Para sa akin, si Shuvee at Klarisse ang pinakatotoo sa loob ng bahay ni Kuya. Haaaay. Ang lungkot ko talaga.
“salamat shuvee at klarisse dahil na-inspire n'yo kaming lumaban. Sa buhay, manalo man o matalo… ang mahalaga, lumaban,” sulat niya.
Samantala, ang mga natitirang celebrity duos sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang CharEs (Charlie Fleming at Esnyr), DusBi (Dustin Yu at Bianca De Vera), AzVer (AZ Martinez at River Joseph), BreKa (Brent Manalo at Mika Salamanca), at RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley).
Patuloy silang subaybayan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.