
Mula sa pagiging award-winning sa broadcast journalist, nakilala na rin si Kara David sa social media bilang "Queen of Potential Sound."
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, nag-react si Kara sa kaniyang bagong titulo.
"Hindi ko in-expect 'yun 'yung 'Queen of Potential Sound,'" sabi ni Kara.
Ikinuwento ni Kara na gusto niya lang magpawala ng stress noong pandemic kaya siya gumamit ng TikTok.
"Parang wala lang, kasi loka-loka akong tao 'tapos, kung ano-ano lang 'yung ginagawa ko. Gusto ko lang ng isang avenue kung saan hindi naman ako serious. Kasi, parang lagi na lang nakikita sa world na seryoso ako, ganiyan, e, sa totoong buhay, loka-loka akong tao," paliwanag ng award-winning journalist.
Inamin nito na naging "joy" niya ang TikTok dahil pwede siyang maging totoong sarili niya sa social media platform. Nagulat na lang daw ito dahil na-appreciate na ito ng mga tao.
"This is me, hindi ko siya sinasadya, it's just ganito lang talaga ako. Mga kakilala ako nang matagal na, alam nila na ganito ako kaloka-loka, so 'yun yung lumalabas sa TikTok," ani Kara.
"Thank you sa GMA at hindi pa ako tinatanggal sa trabaho," pagbibiro niya, kaugnay ng mga kabaliwan niya sa social media platform.
Ang mga linya ni Kara ay naging patok mula sa iba't iba niyang programa na naging viral at ginagamit bilang sound sa TikTok.
Samantala, ipinagdiwang naman ni Kara ang kaniyang tatlumpung taon sa industriya noong Martes, July 8, at nag-renew din ito ng kaniyang contract sa GMA Network.
Kamakailan lang ay nanalo ang I-Witness host ng Star Icon of Investigative Journalism and Media Excellence Award sa Global Filipino Awards.
Tingnan dito ang highlights ng contract renewal ni Kara David sa GMA Network: