
Ikuwento ng batikang mamamahayag na si Kara David na naisipan niyang mag-resign noong early 2000s dahil namatay ang kanyang case studies sa isang dokumentaryo ng I-Witness na 'Buto't Balat.'
Noong mag-guest si Kara sa Tunay na Buhay noong January 29, 2020, tinanong ni Pia Arcanghel si Kara kung totoo ba na balak niya nang mag-resign noon at manirahan sa Mindoro.
Pag-amin ni Kara, “Namatay 'yung mga case study ko sa 'Buto't Balat' tapos I felt na parang, 'Bakit ako nandito sa mundo, 'yung mga ini-interview ko, namamatay?'”
“Parang gusto ko maging social worker na lang or health worker.”
Kahit na sa Bicol nakatira ang nasabing case studies, espesyal ang Mindoro kay Kara dahil dito niya ginawa ang ilan sa kanyang mga tumatak na dokyumentaryo para sa I-Witness katulad ng 'Gamugamo sa Dilim,' 'Ambulansiyang de Paa,' at 'Liwanag sa Dilim.'
“'Yung mga stories ko sa Mindoro ang pinaka-special sa akin,” kuwento ni Kara.
“'Yung first I-Witness documentary ko ay sa Mindoro, tapos mula doon sa dokumentaryo na 'yon, 'yung 'Gamugamo sa Dilim,' nanganak siya.
“'Yung community na 'yon, nagkaroon ako ng parang special relationship with the community, with the Mangyan Tribe.
“Seven years later bumalik ako, sila pa rin, kinumusta ko sila, pero may iba pa silang problema: health. 'Yun 'yung 'Ambulansiyang de Paa.' It's the same community.
“Pagkatapos ng 'Ambulansyang de Paa,' bumalik kami, nagpatayo kami ng health center, that's 'Liwanag sa Dilim.'”
Nanalo ng George Foster Peabody Award ang Ambulansyang de Paa.
Balikan ang isa sa mga especial na dokyumentaryo ni Kara na 'Ambulansyang de Paa:'
For Kara David, being Randy David's daughter made her carve her own name