
Time out muna sa mga hard-hitting news at documentary ang award-winning Kapuso news personality na si Kara David dahil ipina-subpoena siya ng Your Honor.
Makakasama ang seasoned I-Witness host sa session ng House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar para sa topic nila na 'In Aid of Flexing: Basagan ng Trip.'
Sa Instagram post ni Kara, umamin ito na kinabahan siya sa pagsalang sa YouLOl Originals vodcast.
Aniya, “Sa totoo lang, kinabahan ako nung una sa pag-guest sa Your Honor. Pero ang saya palang kausap nina Chariz at Buboy. Nawala ang kaba at nakalimutan kong on-cam pala kami. Hala! Sana wala akong nasabing hindi dapat sabihin.”
Tutukan ang pagbisita ni Kara David sa Your Honor ngayong September 13 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
RELATED GALLERY: KARA DAVID'S CONTRACT RENEWAL WITH GMA