
Walang pagsidlan ng tuwa ang award-winning news anchor at documentarist na si Kara David na muli na niyang makakapiling ang kanyang asawang si LM Cancio. Kinailangan kasi nitong mag-self quarantine ng two weeks matapos umuwi mula sa pinagtatrabahuang cruise ship.
Kara David, hindi muna nayakap ang asawa nang sunduin sa airport
Sinalubong ni Kara ang kanyang mister ng mahigpit na yakap sa isang video na ipinost niya sa Instagram.
"He's finally home, salamat po Panginoon. Today is Day 15, LM has finished his 2week quarantine. #togetheragain #lmkara"
Tuwang-tuwa din ang kanilang alagang asong si Lemon nang makita si LM.
Ikinasal sina Kara at LM sa Guagua, Pampanga noong January 6, 2018.