GMA Logo Kara David and the Divine Divas
Source: iamkaradavid (IG)
What's Hot

Kara David, naging 'fan girl' sa 'Divine Divas' sa FAMAS Awards

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 23, 2026 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One Mindanao: July 23, 2026 [HD]
Wanted sa kasong syndicated illegal recruitment, nadakip; mga nabiktima, pinangakuan ng trabaho sa Europa
Surf Patchara, Java Bhobdhama to visit PH for 'Love Me If You Swear' special screening

Article Inside Page


Showbiz News

Kara David and the Divine Divas


Tila naging fan girl si Kara David nang nakatagpo niya ang Filipino drag superstars na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, and Viñas DeLuxe!

Tuwang-tuwa na ibinahagi ng kilalang Kapuso broadcast journalist na si Kara David sa kaniyang personal Instagram account ang video ng kaniyang pagdalo sa ginanap na kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards.

Subalit mas lalo pang naging masaya ang kaniyang gabi dahil nakatagpo ni Kara ang kaniyang mga hinahangaang Filipino drag superstars—ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas DeLuxe.

Sa kaniyang video, pabirong sinabi ng mamamahayag na hindi na niya napigilan ang excitement nang makita ang tatlo.

“Andito po ako ngayon sa FAMAS. Nominated po ako pero kahit hindi na ako manalo ng award. Nanalo na ako; kasi kasama ko si Precious Paula Nicole, the winner of Drag Race Philippines season 1; and Brigiding, the winner of Slaysian Royale; at ang winner sa aking puso, Viñas DeLuxe!” pabirong sabi ni Kara.

Ipinahayag din niya ang kaniyang saya sa pagiging isang drag fan girl sa kaniyang caption: “As a drag race fan, so happy to have met the Divine Divas. Salamat Precious, Brigiding and Viñas sa pa-picture.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat at pagmamahal sa comments section ng naturang Instagram post ang tatlong drag superstars sa Kapuso journalist.

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)

Sa FAMAS, nagwagi si Kara ng ilang mga parangal tulad ng “Best Host for Public Service” para sa kaniyang programang I-Listen. Nasungkit din ng GMA Public Affairs podcast niyang ito ng parangal bilang “Best Public Affairs Talk Show.”

Isa pa sa naiuwi niyang parangal ay ang “Best Documentary” para sa ng kaniyang dokumentaryo naman sa programang I-Witness na pinamagatang Embalsamador de Motor.

Ang Divine Divas ay ang nagkasama-sama sa unang season ng Drag Race Philippines noong 2022. Si Precious Paula Nicole ang kauna-unahang itinanghal na “Drag Race Superstar” sa naturang season,

Magkasama rin na sumabak sina Viñas at Brigiding, sa Drag Race Philippines: Slaysian Royale, kung saan si Brigiding naman ang nagwagi.

Related Gallery: Filipina drag queens who broke into the mainstream