
Naging sentimental si Kara David sa kanyang anniversary message para sa GMA Network nang ipahayag niya ang tunay na kahulugan ng pagiging isang “Kapuso.”
Ani ng award-winning journalist, mas malawak ang nasasakupan ng salitang ito dahil nasasakupan nito ang bawat nilalang sa buong mundo.
Sambit niya, “'Yung lawakan natin 'yung konsepto natin kung sino ang ating tulungan, lawakan natin ang konsepto ng kababayan, kamag-anak.
"Sana 'yung pagmamalasakit natin sa kapwa, hindi lang pagmamalasakit kasi kabarangay mo siya, kamag-anak mo siya, kababayan mo siya, etc.
"Lawakan natin 'yung konsepto na 'yun at buksan natin ang ating puso --- kasi lahat tayo may puso.
“'Yung Kapuso, malawak siya kasi it involves all creatures in this world.
“As long as you have a heart, you can have compassion for anyone --- kung kamag-anak mo siya, kababayan mo siya, o hindi mo siya kilala.
"'Yun yung pinaka magandang sukatan ng compassion o pamamalasakit. 'Yung magmamahal ka kahit hindi mo siya kadugo, kahit hindi mo siya kababayan, o kahit hindi mo siya kilala. Pero kapuso mo siya kasi pareho kayong may puso.”
Panoorin 'yan at ang 70th anniversary message ni Kara sa GMA Network sa video na ito:
Bakit proud si Kara David sa kanyang most embarrassing moment?
#SolidKapuso: GMANetwork.com celebrates the network's 70th anniversary
Kyline Alcantara, proudest Kapuso moment ang pagdalo sa Asian Academy Creative Awards