GMA Logo Kara David and Shuvee Etrata
Photo source: Denzel Cusi
What's Hot

Kara David, parang anak na ang turing kay Shuvee Etrata

By Karen Juliane Crucillo
Published July 9, 2025 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Kara David and Shuvee Etrata


Kara David, bakit may espesyal na paghanga at pagmamahal kay Shuvee Etrata?

Natapos man ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, hindi pa rin natatapos ang pagbigay ng mainit na suporta at pagmamahal sa mga ex-PBB housemates.

Katulad ng award-winning journalist na si Kara David, na walang sawang nagpapakita ng kaniyang suporta sa kaniyang paboritong housemate sa Bahay ni Kuya.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com, nabanggit ni Kara na si Shuvee Etrata ang pinakamahal niyang housemate at nakitaan niya ng potensyal maging big star.

"Nako, tinatanong pa ba sa akin 'yan. Halatang-halata naman kung sino ang mahal na mahal ko sa PBB 'di ba. Syempre, my girl, Shuvee, I love you, Shuvs," sabi ni Kara na hindi nagpatumpik-tumpik sa kaniyang sagot.

Hindi rin nito naitanggi na mayroon siyang espesyal na koneksyon sa ex-PBB housemate.

"Feeling ko anak ko si Shuvee. Nakakaloka talaga. Ayon si Shuvee 'yung pinaka-love ko," ani Kara.

Dagdag niya at hinaluan pa ng biro, "Awayin niyo na ako lahat. Si Shuvee pinaka-love ko!"

Matatandaang nagkita ang dalawa sa studio ng 24 Oras kung saan nag-guesting si Shuvee. Nag-post si Kara ng kanilang selfie na mayroong caption na "My ShuKla [heart] is so happy. Sobrang humble ni Shuvee. Thank you, Shuvee and Klang. Mahal namin kayo."

Samantala, ipinagdiwang ni Kara ang kaniyang tatlumpung taon sa industriya noong Martes, July 8, bilang patuloy na tagapaghatid ng makabuluhang balita at mga istoryang sumasalamin sa buhay ng Pilipino sa kaniyang matagumpay na mga programa at dokumentaryo.

Nag-renew din ang I-Witness host ng kaniyang contract sa GMA Network para sa selebrasyon ng kaniyang anibersaryo sa industriya.

Kamakailan lamang, nag-uwi si Kara ng karangalan bilang Star Icon of Investigative Journalism and Media Excellence Award sa Global Filipino Awards.

Tingnan dito ang kaganapan sa contract renewal ni Kara David sa GMA Network: