
Dalawa sa pinakasikat na Kapuso teen stars ang makikigulo sa Saturday night habit ng bayan na Daddy's Gurl this weekend.
Abangan ang mga bida sa Kara Mia na sina Mika Dela Cruz at Paul Salas sa panalong sitcom ni Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza!
Margaux, aakitin si Gerry! | Ep. 30
Huwag palagpasin ang pagganap ni Mika Dela Cruz bilang nakababatang kapatid ni Aling Oprah (Angelika Dela Cruz) na si Hilary na ikakasal na sa kaniyang batang-bata na jowa na si Brix (Paul Salas).
True love kaya ang nararamdaman ni Brix kay Hilary? Paano kaya kung malaman niya na sa likod ng dalagang hitsura ng kaniyang fiancée ay isang senior citizen na?
Itodo ang tawanan tuwing Sabado ng gabi sa back-to-back na Kapuso sitcom na perfect pampa-relax! Manood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend at susundan ng duo nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Daddy's Gurl.
Don't miss it mga Kapuso!