GMA Logo Andrea Torres, Akusada
What's on TV

Karakter ni Andrea Torres sa 'Akusada', kinakampihan ng viewers

By EJ Chua
Published August 29, 2025 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
Saudi-backed head of Yemen's presidential council tells UAE to leave
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres, Akusada


Nakaabang na ang viewers sa susunod na mangyayari kay Lorena sa intense drama na 'Akusada'.

Umaani ng reaksyon online ang kasalukuyang nangyayari sa karakter ni Andrea Torres sa intense drama na Akusada.

Related gallery: On the set of 'Akusada'


Unang napanood si Andrea sa serye bilang si Carolina at ngayon ay kilala siya sa bago niyang identity na si Lorena.

Sa recent episodes ng Akusada, sunud-sunod na dagok sa buhay ang naranasan ni Lorena.

Ito ay magmula nang isiwalat ni Roni (Lianne Valentin) sa lahat na si Lorena ay si Carolina Astor, ang pinagbibintangang pumatay sa unang asawa ni Wilfred (Benjamin Alves) na si Joi (Max Collins).

Maraming viewers ang sobrang naaawa na kay Lorena at karamihan sa kanila ay talaga namang kinakampihan siya.

Naniniwala silang ibang tao ang tunay na pumatay kay Joi at hindi si Lorena.

Sa Instagram, ni-repost ni Andrea Torres ang ilang post ng netizens tungkol sa kanyang karakter sa serye.

Si Roni (Lianne Valentin) ang itinuturo ng ilang viewers at netizens na pumatay sa unang asawa ni Wilfred (Benjamin Alves).

Samantala, patuloy na nakakakuha ng mataas na TV ratings ang Akusada.

Bukod kina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Lianne Valentin, napapanood din dito sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Shyr Valdez, Aahron Villena, Ronnie Liang, at iba pang aktor.

Huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.

Related content: The many characters of Andrea Torres