
Ikinatuwa ng viewers ng Akusada ang pagbabago sa karakter ni Andrea Torres sa intense drama series.
Related gallery: On the set of Akusada
Matapos mahatulan na not guilty sa nangyari kay Joi (Max Collins), nakalaya na si Carol (Andrea Torres) mula sa bilangguan.
Sa teaser na inilabas ng programa para sa bago nitong episode ngayong Lunes, September 15, ipinasilip na unti-unti nang nagiging palaban si Carol.
Dahil napatunayan niyang siya ay inosente sa pagkamatay ni Joi, wala nang dahilan para manatiling malayo sa kanya ang anak niyang si Lia (Erin Espiritu).
Buong tapang na ipaglalaban ni Carol ang karapatan niya bilang ina ni Lia.
May magawa pa kaya si Wilfred (Benjamin Alves) tungkol dito?
Maraming viewers ang nakatutok din sa susunod na mga eksena nina Carol (Andrea Torres) at Roni (Lianne Valentin).
Kaya na bang tapatan ni Carol ang pagiging palaban ng kontrabida sa buhay niya na si Roni?
Sa previous episodes ng Akusada, sunud-sunod na dagok sa buhay ang naranasan ni Carol na nakilala rin sa bago niyang katauhan na si Lorena.
Samantala, bukod kina Andrea Torres, Benjamin Alves, Lianne Valentin, at Erin Espiritu, napapanood din dito sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Shyr Valdez, Aahron Villena, Ronnie Liang, at iba pang aktor.
Huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
RELATED GALLERY: THE MANY CHARACTERS OF ANDREA TORRES