GMA Logo Chanda Romero
What's on TV

Karakter ni Chanda Romero sa 'Prima Donnas,' mawawala na ba?

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 29, 2021 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cooper Flagg's all-around effort sparks Mavs past Nets
XG evolves to 'Xtraordinary Genes'
Discaya, 9 others plead not guilty in anomalous Davao Occ project

Article Inside Page


Showbiz News

Chanda Romero


Komento ng ilang netizens, 'Wag na mag-part 2 kung wala na si Lady Prima!'

Palaisipan ngayon kung mamamatay ang karakter ni Chanda Romero sa hit afternoon series na Prima Donnas.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng beteranang aktres ang isang litrato kung saan kinukunan siya habang nasa loob ng isang kabaong.

Isang post na ibinahagi ni Chanda Romero AT LAST (@chandaromero_atlast)

Sa comment section, nagtanong ang isang netizen kung ang karakter ni Chanda sa Prima Donnas na si Lady Prima Claveria ang mamamatay.

Komento ng isa, "Sa Prima Donnas ba 'to? 'Di pwede. Mabubuo na ang tatlo ikaw naman po mawawala."

Suspetsa naman ng iba, kagagawan ng karakter ni Aiko Melendez na si Kendra kung bakit mamamatay si Lady Prima.

Emojis lang ang reply ng beteranang aktres at sinabing abangan na lang ang darating na eksena ng Prima Donnas.

Ano nga ba ang mangyayari kay Lady Prima sa Prima Donnas? Patuloy na panoorin ang mas lalong tumitinding mga eksena ng Prima Donnas mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.