GMA Logo Jasmine Curtis Smith
What's on TV

Karakter ni Jasmine Curtis-Smith sa 'The World Between Us,' dapat abangan ng mga manonood

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 9, 2021 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis Smith


Mapapanood na mamaya sina Jasmine Curtis-Smith, Alden Richards, at Tom Rodriguez sa 'The World Between Us!'

Marami ang nagulat na hindi pala agad nagkasundo ang mga batang Louie at Lia, mga karakter nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us.

Hindi kasi naging maganda ang unang pagkikita ng mga ito dahil aksidenteng nahulog ni Louie ang telepono ni Lia na puno ng alaala ng kanyang namayapang ama.

Kinalaunan, gumaang na ang loob ni Lia kay Louie simula noong nakita niya itong kinakausap ang puntod ng namayapa niyang ina.

Ang nanay ni Lia kasi ang naging legal guardian ni Louie mula noong mamatay ang kanyang ina dahil sa aksidente.

Kuwento ni Jasmine kay Nelson Canlas sa 24 Oras, habang tumatagal ay mas makikita ng mga manonood kung paano magbabago ang ugali ni Lia.

Saad niya, "That's who Lia is, magsisimula siyang fragile but then you see the growth and the progress eventually ng character ni Lia."

Dagdag pa ni Jasmine, napamahal na siya sa kanyang karakter na si Lia dahil may pagkakapareho silang dalawa.

"Marami [kaming] similarities in terms of 'yung growth sa confidence, 'yung pagiging sigurado sa buhay, 'yung trying to make decisions na akala mo tama para sa'yo."

"You take it because at that moment, it's right."

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, tingnan ang star-studded cast ng The World Between Us dito: