GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Karakter ni Jillian Ward sa 'Abot-Kamay Na Pangarap,' patuloy na hinahangaan ng mga manonood

By EJ Chua
Published March 28, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH athletes, officials raise concerns over alleged irregularities at 2025 SEA Games
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Viewers kay Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos: “Galing ni Analyn, ganda pa niya..”

Patuloy na nagte-trending ang GMA medical-inspirational drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Isa sa mga napapanood sa serye bilang bida ay ang Sparkle star na si Jillian Ward.

Kilalang-kilala siya rito ng viewers at netizens bilang si Analyn Santos, ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc RJ (Richard Yap).

Sa katatapos lang na episode ng serye, natunghayan kung paano pinigilan ni Analyn ang pagtakas ng bomber na si Lando (Archie Alemania).

Dahil malakas ang kutob ni Analyn na ang isa sa kanyang mga pasyente ang bomber sa San Marcelino General Hospital, sinundan niya si Lando.

Kahit na nasaktan si Analyn dahil sa pagpigil sa bomber sa pag-alis nito sa APEX, hindi natinag ang batang doktor.

Sa ilang eksena ay napanood pa na sumampa siya sa likod ni Lando para lamang pigilan ito sa pagtakas.

Samantala, labis na hinangaan ng mga manonood ang ginawa ni Analyn.

Narito ang ilan sa kanilang komento at papuri sa karakter ni Jillian sa hit GMA series:

Panoorin ang eksenang ito:

Huwag palampasin ang patindi nang patinding mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: