
Patuloy na palaisipan sa Akusada viewers kung sino ang tunay na pumatay kay Joi (Max Collins) sa unang asawa ni Wilfred (Benjamin Alves).
Related gallery: On the set of Akusada
Sa poll na inilabas ng GMANetwork.com tungkol dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga manonood at netizens na pumili kung sino para sa kanila ang killer sa intense drama series.
Ang nasa choices ay sina Wilfred (Benjamin Alves), Roni (Lianne Valentin), Dennis (Arnold Reyes), at Gian (Ahron Villena).
Sa results ng poll, inilahad na ang karakter ni Lianne Valentin na si Roni ang nakakuha ng pinakamaraming boto, ang ibig sabihin nito ay siya ang itinuturo ngayon ng marami na may kasalanan sa krimen.
Si Roni ang nadidiin ngayon na mayroon umanong malakas na motibo sa pagpatay dahil may malalim siyang galit sa unang asawa ni Wilfred.
Matatandaang si Carol (Andrea Torres) ang nakulong noon dahil siya ang naakusahang pumatay kay Joi (Max Collins).
Samantala, bukod kina Andrea Torres, Benjamin Alves, Lianne Valentin, Arnold Reyes, at Ahron Villena, napapanood din dito sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Jourdanne Baldonido, Shyr Valdez, Jeniffer Maravilla, Ronnie Liang, at iba pang aktor.
Huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.