
Magtatagpo ang Kamao character ni Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon at ang P-Pop group na YUMI sa GMA Afternoon Prime series na Born To Shine.
Expect the unexpected daw sa mangyayaring crossover sa two top-rating GMA series.
Sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras kagabi, July 6, sinabi ng Born To Shine lead star na si Zephanie na hindi nila inakala na magkakasama silang muli ni Anton sa isang project matapos ang MAKA at Mga Batang Riles.
Ani ng actress-singer, "Napag-usapan na po yata namin ito ni Anton sa All-Out Sundays bago pa s'ya na-confirm. Na-surprise ako pero siguro ando'n yung mas kinikilig na feeling na makakasama ko siya sa work, sa show na ito."
Samantala, ipinahayag ni Anton na proud sila sa achievement ng isa't isa dahil may kanya-kanya na silang lead role ni Zephanie sa magkaibang show. Ika niya, "I'm just really happy rin po for her na nagkaroon siya ng lead role, and nagkaroon din ako ng lead role."
Magko-crossover din ang Kamao character ni Therese Malvar sa Born To Shine.
Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.
Mapapanood ang Born To Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., at Kamao, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED FEATURE: Kapuso stars na nag-crossover sa ibang shows