
The ultimate banggaan has finally happened sa pinag-uusapang Little Princess.
Sa February 23, 2022 episode ng GMA afternoon series, napahiya ang mag-tita na sina Odessa (Geneva Cruz) at Adrianna (Gabrielle Hahn) sa product launch ng softdrinks brand ng MVM na pagmamay-ari ni Marcus (Jestoni Alarcon), asawa ni Odessa at ama ni Princess.
Nakarma si Adrianna sa kanyang masamang plano kay Princess matapos siyang mabasa ng softdrinks sa product reveal. Nais niya kasing makaganti sa maliit na bida matapos itong ma-promote bilang product manager sa loob lamang ng anim na buwan.
Imbes na si Princess ang mabasa ng sumisirit na softdrinks sa bote, si Adrianna ang nabiktima ng kanyang sariling scheme nang tawagin siya sa stage ni Princess para i-credit din siya sa mga kontribusyon niya sa kumpanya bilang marketing head.
Alam ni Princess na may masamang balak ang aroganteng si Adrianna kaya inunahan na niya ito.
Sinisi pa ni Odessa si Princess dahil sa eskandalo sa product launch kaya gumanti ito sa bida.
Binuhusan niya si Princess ng softdrinks. Pinaghiganti naman siya ng kanyang inang si Elise (Angelika Dela Cruz) at hindi lang pambubuhos ng softdrinks ang natamo ni Odessa, kundi matitinding sabunot mula sa palabang ina ni Princess.
Kinampihan din ni Marcus sina Princess at Elise kaysa sa legal na asawang si Odessa na lubos na ikinagalit ng huli.
Nagdiwang naman ang Twitter world sa pagsasanib-puwersa ng mag-inang sina Princess at Elise kontra sa mag-tita na sina Odessa at Adrianna na tinawag na company party 'rambulan.'
Woooott
-- Jhezy 03 (@Jhezy0) February 23, 2022
Ang saya ng rambulan!
Yehey!#LPPartyRambulan
Nakakuha rin ng simpatiya sina Princess at Elise sa netizens.
#LPPartyRambulan
-- Agnes (@Agnes78715679) February 23, 2022
KapusoBrigade@encabattalionkb.
Akala mo odessa papayag si elise na api apihin mo anak niyang si princess
Pinahiya mo lang sarili Odessa#LPPartyRambulan
-- KB_ Enca Juvy 2 (@_juvyramos) February 23, 2022
KapusoBrigade @encabattalionkb
Awitt, masakit ba odessa?#LPPartyRambulan @KapusoBrigade@ind1obattalion
-- Alyssmrz||Pinklers🐚 (@alyssamarizqt01) February 23, 2022
Wala ka naman pala Odessa kay Elise#LPPartyRambulan
-- KB_ Enca Juvy 2 (@_juvyramos) February 23, 2022
KapusoBrigade @encabattalionkb
Patuloy na subaybayan ang tumitinding Little Princess weekdays at 3:25 p.m. sa GMA.
Maaari rin mapanood ang full episodes nito sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, ngayong magsisimula na ang corporate leadership ng bidang si Jo sa Little Princess, silipin dito ang ilan niyang cute outfits as CEO sa GMA series: