GMA Logo Zephanie, Olive May
Photo source: Zephanie (FB) and Oliver May (FB)
What's on TV

Karakter nina Zephanie at Olive May sa 'Born to Shine,' mas tumitindi ang rivalry

By Kristian Eric Javier
Published May 7, 2026 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughter reassures love for mom with Alzheimer's after learning she's adopted
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon
Mister, sinurpresa ang misis na-lockdown sa Maynila | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie, Olive May


Patindi na nang patindi ang pagtutunggali nina Jeni at Megan sa 'Born to Shine.'

Sa nalalapit na pagtatapos ng boot camp para hanapin ang bubuo sa pinakabagong P-Pop girl group sa Born to Shine, mas titindi ang rivalry nina Jeni at Megan, ang mga karakter na ginagampanan ni Zephanie at Olive May.

Sa panayam ni Aubrey Carampel kina Zephanie at Olive para sa 24 Oras nitong May 5, inamin ng huli na nakakatanggap na siya ng hate comments para sa kaniyang kontrabida role.

"Actually, meron po. Parang 'yung mga fan ni Jeni Sicat talaga, nakikita ko sa DMs ko na galit na galit sila sa 'kin. Parang ako, 'Pasensya na, ha?'" pagbabahagi ni Olive.

"Pero I mean it's effective naman siguro kaya siguro naiinis sila," pagpapatuloy pa ng aktres.

Ngunit ayon kay Zephanie, meron din namang mga nagtatanggol kay Megan lalo na at naiintindihan din naman nila ang karakter ni Olive.

"Balance naman po, meron ding may ayaw kay Jeni minsan sa mga desisyon niya sa buhay," sabi ni Zephanie.

Samantala, sa panayam ng GMANetwork.com kay Olive sa naganap na photoshoot para sa serye, inamin ng aktres na nagulat siya nang malaman na kontrabida ang magiging role niya sa Born to Shine.

“Nagulat nga po ako kasi nu'ng nalaman ko na nakuha ko 'yung character, parang sabi ko, 'Ha? Bakit ako?' Hindi naman ako ganu'n in real life, mabait po talaga ako, promise,” sabi ni Olive.

Sabi pa ng young actress, sobrang maldita ng karkater niyang si Megan na sobrang opposite sa kaniya. Kung si Megan kasi ay spoiled, petty, at ma-pride, si Olive naman ay mabait at respectful.

“It's a good challenge naman and I believe I'll grow naman, and I'll learn a lot from this character,” sabi ni Olive.

MULING KILALANIN ANG CAST NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO: