
Bagong challenges at mga kulitan with comedians ang aabangan sa Sarap, 'Di Ba?
Ngayong June 25, makakasama ni Carmina Villarroel sa isang fun Saturday morning bonding sina Pekto, Ate Velma, Teri Onor, at Boobsie. Sila ang sasabak sa karaoke games and challenges ng Sarap, 'Di Ba?
Ang kaabang-abang na challenges na dapat tutukan sa Sabado ay ang Belly Birit, Birit Nginig, at Birit Face Off.
Tutukan din ang dish ni Carmina ngayong Sabado. Ang ihahanda niya sa Sarap, 'Di Ba? kitchen ay ang easy-to-do recipe of Sotanghon Soup na perfect for the rainy season!
Abangan ang masayang Sarap, 'Di Ba? episode ngayong June 25, 10:00 a.m. sa GMA Network.