
Proud na ibinahagi ni Karel Marquez sa Instagram na siya ang gumagawa ng lahat ng kanyang eksena para sa Contessa kabilang na ang mga stunts. Ginagampanan niya ang karakter ni Gigi, ang kanang kamay at kaibigan ni Contessa.
Sa kanyang latest post, ipinasilip niya kung paano isinagawa ang paglunod sa kanya sa tubig. Mas makatotohahan daw kasi kung ang artista mismo ang gagawa ng maaksyong eksena tulad nito.
"Behind the scenes of what happened to Gigi... I do the stunts I can, if I can, para mas totoo - from running barefoot, to drowning under water, on going now at #Contessa at GMA. Tutok na #ContessaRoyalHarapan," paliwanag niya.
Kung na-miss ninyo ang eksenang 'yan, maaari n'yo pa rin itong mapanood sa GMANetwork.com.
Patuloy na tutukan ang iba pang maiinit na tagpo sa Contessa, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.