
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang GMA drama anthology na Karelasyon.
Sa nakaraang episode ng Karelasyon, alam ni Twinkle (Divine Aucina) na hindi siya kagandahan pero, dahil alam niya na siya ay matalino at maraming kakayahan, siya ay naging positibo at confident na tao.
Tanggap na tanggap ni Twinkle ang kanyang sarili kaya hindi niya akalaing ma-i-insecure siya nang dahil sa pagkakaroon ng guwapong boyfriend--si RJ (Lucho Ayala).
Pilit man niyang i-deny, naging affected si Twinkle sa masasakit na komento ng tao tulad ng ex ng nobyo niyang si Cara (Arny Ross).
Kalaunan naging manhid na lang si Twinkle sa mga panghuhusga at panlalait sa kanya dahil alam niya ang dapat niyang priority ang kanyang relasyon mismo sa kanyang Papi RJ.
Marami man silang pinagdaanang pagsubok, pinatunayan naman ni RJ kay Twinkle na hindi ang pisikal na kaanyuan ang pinakamahalagang katangian sa lahat kaya nanatiling matatag ang kanilang relasyon.
Panoorin ang buong episode ng Karelasyon sa video sa itaas.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon at ng ibang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.