
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.
Sa July 17 episode ng Karelasyon, nakahanap ng masasandalan ang 16 anyos na si Minnie (Bea Binene) sa guro niyang si Sir Pat (TJ Trinidad).
Mula sa simpleng paghanga, naging mahigit pa sa crush ang tingin ng dalagita sa kanyang teacher.
Lumalim pa ang pagtingin niya sa kanyang guro dahil lagi silang magkasama pagkatapos ng klase para mag-review para sa Philippine quiz bee.
Dahil kulang siya sa paggabay ng kanyang mga magulang, hindi alam kontrolin ni Minnie ang nagbabago niyang feelings para sa kanyang Sir Pat.
Sa edad na 16, unang natutunan ni Minnie kung paano ma-in love pero, bukod sa maraming lessons na kailangan nilang pag-aralang magkasama, si Sir Pat din ang siyang nagturo sa kanya kung paano ma-heartbroken.
Matapos grumaduate sa high school bilang valedictorian, naghabol si Minnie kay Sir Pat pero hindi na siya tinanggap ng guro at pinili ang tama.
Panoorin ang kontrobersyal na episode ng Karelasyon dito:
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.