What's on TV

'Karelasyon Halloween Specials' presents 'Third Eye'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 1:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 22, 2026
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
UN rings alarm bells on an 'era of global water bankruptcy'

Article Inside Page


Showbiz News



Asawa, ama, at tagapagdalang mensahe mula sa kabilang buhay

Hindi lang ordinaryong taxi driver si Jason. Sa likod ng kanyang simpleng itsura at pamumuhay ay naipamamalas niya ang kakaiba niyang abilidad sa bawat pamamasada. Ito ay ang diumano makakita at makipag-usap sa ligaw na kaluluwa.

Sa pamamagitan daw ng kanyang third eye, nakukuha niya ang mensahe ng mga ito at ginagawa ang makakaya maiparating lang ito sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay.

Ngunit biyaya nga ba itong matuturing para kay Jason? Paano na kung nakakasagabal na ito sa kanyang pamumuhay at relasyon sa kanyang asawa?

Masasagot ang tanong na ito sa pagharap niya sa multong gumagambala sa kanya mismong anak.  

Ano kaya ang pakay ng kaluluwang ito na hanggang ngayon hindi pa rin natatahimik? May kinalaman kaya ito sa nakaraan ni Jason na pilit na niyang kinakalimutan?

Ito ang huling kuwento ng kababalaghang handog ng Karelasyon ngayong Oktubre. Pagbibidahan nina Rocco Nacino at Ryza Cenon kasama sina Caprice Cayetano, Divine, Ben Isaac, Elora Escano, Linda Villalobos at Sue Prado. Mula sa panulat ni Honee Alipio at direksyon ni Zig Dulay.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng #Like.