
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.
Sa nakaraang episode ng Karelasyon, natunghayan ang kuwento ng isang simpleng maybahay na si Trixie (Diana Zubiri) na nagbago ang ugali magmula nang maimpluwensyahan siya ng kaibigan na mahumaling din sa designer bags.
Mula noong sumama siya sa negosyo ni Mina (Ina Feleo) ay naging malapit sila sa isa't isa. Nabuo nila ang masayang pagkakabigan nang dahil sa hilig nila sa mga designer bag.
Pero habang nagiging close silang dalawa at laging magkasama, tila napapabayaan na ni Trixie ang ibang mga priority niya sa buhay gaya ng pagbabayad ng tuition fee ng kanyang anak.
Nagkaroon matinding lamat ang relasyon ni Trixie at asawa niyang si Ramon (Ken Alfonso). Sinira niya ang tiwala sa kanya ng kanyang mister dahil sa materyal na bagay.
Paano ito sosolusyunan ni Trixie? Kaya ba niyang ipagpalit ang kanyang luho kapalit ang simple at maayos na pagsasama?
Panoorin ang buong episode na pinamagatang 'Status Symbol' sa video sa itaas.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.