What's on TV

Karelasyon: Lalaki, humingi ng kapalit sa tinulungang OFW

Published December 4, 2021 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

alan paule and angeli bayani in karelasyon


Ang inaakalang kalayaan ni Mika mula sa malupit niyang amo sa Saudi, hindi pa pala natapos dahil panibagong impyerno ang binagsakan niya matapos humingi ng tulong sa kapwa Pilipinong si Bong na habol lang pala ang kanyang katawan.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang GMA drama anthology na Karelasyon.

Sa December 4 episode ng Karelasyon, napanood ang sinapit ni Mika (Angeli Bayani), isang dating OFW sa Saudi, sa kapwa Pilipino.

Hindi naging maganda ang kapalaran niya abroad dahil sa pagmamalupit ng kanyang amo kaya napilitan siyang tumakas.

Dahil desperada nang makauwi ng Pilipinas, napagdesisyunan ni Mika na lumapit sa kababayang si Bong (Allan Paule) para matulungan siya nito.

Pero ang pagtulong nito ay may kapalit pala. Kailangan niyang ibenta ang kanyang katawan para makalaya.

Nakauwi man ng Pilipinas si Mika, hindi siya tinigilan ni Bong para makabayad sa mga utang niya rito.

Ano na lang kaya ang gagawin ng asawa ni MIka na si Rodel (Antonio Aquitania) kapag nalaman niya ang ginawang pagkapit sa patalim ng kanyang asawa?

Panoorin ang buong episode ng Karelasyon sa video sa itaas.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon at ng ibang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.