GMA Logo karelasyon
What's on TV

Karelasyon: Lalaki, na-in love sa kanyang hipag

Published May 27, 2021 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC confirms arrest warrant for Bato Dela Rosa over drug war killings
Mag-inahan sa Cebu, Gi-heart sa mga Netizen | Balitang Bisdak
TikTok Shop honors standout creators at 2026 Creator Awards

Article Inside Page


Showbiz News

karelasyon


Sa May 24 episode ng 'Karelasyon,' naging sandalan ni Alma ang kanyang hipag na si Lando matapos pagtaksilan ng asawa.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.

Sa May 24 episode ng Karelasyon rerun, natunghayan ang pagtataksil ni Joel (Albie Casiño) sa kanyang asawang si Alma (Lovi Poe).

Martir na maituturing si Alma dahil paulit-ulit siyang niloloko ng asawa nang hindi niya nalalaman.

Ang kakambal pa ni Joel na si Lando (Albie Casiño) ang nagpamukha kay Alma ng katotohanan.

Noong una ay hindi naniwala si Alma na may ibang babae si Joel. Ito ay dahil sa tingin niya ay nasabi lang ito ni Lando dahil may gusto ang kanyang hipag sa kanya, hanggang sa nakita mismo ng dalawa niyang mata ang pakikipagsiping ni Joel sa kabit nito.

Sinabi ni Lando ang katotohanan kay Alma hindi dahil para makuha ang loob nito kundi para matapos na ang paghihirap ni Alma.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.