GMA Logo karelasyon
What's on TV

'Karelasyon': Lalaking may sakit sa pag-iisip, kinadena ang nobya dahil sa selos

Published April 28, 2021 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

karelasyon


Sa April 27 episode ng nagbabalik-telebisyong 'Karelasyon,' nakilala sina Elmer at Mildred. Lingid sa kaalaman ni Mildred, may problema sa katinuan ang kanyang kinakasama.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.

Sa April 27 episode ng Karelasyon, natunghayan ang masalimuot na buhay ni Mildred (Louise Delos Reyes) sa piling ng nobyong si Elmer (Sid Lucero).

Nagsimula bilang textmates sina Mildred at Elmer.

Noong umpisa, libangan lang ito ni Mildred pero ginusto na rin niyang makilala nang personal si Elmer dahil baka ito na ang sasaklolo sa kanya sa posibilidad na tumandang dalaga.

Lingid sa kaalaman ni Mildred, may problema sa katinuan ang kanyang kinakasama. Depresyon mula sa masalimuot na kabataan ang naging sanhi nito.

Obsessed at naging marahas si Elmer kay Mildred. May punto pa na kinadena niya si Mildred dahil sa selos.

Sa kabila nito, nagbunga rin ang kanilang pagmamahalan. Ang pagsilang ng kanilang anak ang sanhi ng tila milagrong pagbalik sa katinuan si Elmer.

Gayunpaman, nabalot na ng takot si Mildred na nangangamba para sa kanyang sarili at sa bagong silang nilang anak.

Panoorin ang buong episode dito:

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.


Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.