
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.
Sa nakaraang episode ng Karelasyon rerun, natunghayan ang kuwento ng pitong taong live-in partners na sina Miriam at Dennis na ginampanan ng real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Tulad ng ibang magkasintahan, away-bati sina Miriam at Dennis.
Marami ang nagsasabi na kapag lumipas na ang maraming taon na kasama mo ang iyong nobyo o nobya, natural lang daw na makaramdam ng pagkasawa, bagay na naranasan nina Miriam at Deninis.
Marami nang nagtatanong kay Miriam kung kailan sila ikakasal ng nobyo niyang si Dennis. Pero dala ng kawalan ng oras sa isa't isa, lagi itong nauudlot.
Magkaiba ng trabaho sina Miriam at Dennis. Si Miriam ay isang nurse, samantalang si Dennis naman ay isang bartender. Dahil dito, naging makitid ang pag-iisip ni Dennis at pinagselosan ang bagong katrabaho ni Miriam.
Sa isang family affair, nagkaharap ang ex-boyfriend ni Miriam na si Cody at si Dennis. Nauwi ito sa isang eskandalo dahil minata ni Cody si Dennis dahil sa pagiging bartender nito.
Sa kasamaang palad, kinampihan pa ng pamilya ni Miriam ang dating nobyo ng dalaga.
Sa kabila ng gulo, inintindi nina Miriam at Dennis ang isa't isa.
Dumating din ang tamang panahon kung kailan hiningi na ni Dennis ang kamay ni Miriam matapos ang pitong taong pagsasama.
Ika nga, ang mga relasyong walang tampo at away, 'yun daw ay relasyong may mas malalim na problema. Away-bati man sila, nangako naman silang magiging magkasama forever.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.