
Matagal nang naninilbihan si Zeny (Ces Quesada) sa pamilya ni Abel (Tommy Abuel) bilang isang kasambahay. Pero bukod sa gawaing bahay, ang paibigin ang kaniyang amo na si Abel ang isa rin sa kaniyang tinatrabaho.
Daig pa ang isang asawa kung umasta si Zeny. Sa katunayan, ang pag-aalaga sa kaniyang amo na si Abel ay minsan lumalagpas na sa limitasyon sa pagitan ng amo at isang kasambahay.
Ngunit ang magandang relasyon na binubuo ni Zeny para sa kanila ng kaniyang amo ay unti-unting naudlot nang pumasok sa eksena ang anak ni Abel na si Jacob (Marco Alcaraz) at kasintahan nito na si Chloe (Yasmien Kurdi).
Nang umuwi sina Jacob at Chloe sa bahay ni Abel, si Zeny ang tumanggap at sumalubong sa kanila pero una pa lang hindi na naging maganda ang pakikitungo ni Chloe kay Zeny.
Lalo pang maging masungit at mataray si Chloe kay Zeny nang mapansin niyang pati ang relasyon nila ni Jacob ay pinapakialaman din ng kasambahay. Kaya inaraw-araw niya na ang pagiging masungit dito.
Pero isang araw, hindi na nakapagtimpi si Zeny sa masamang pagtrato sa kanya ni Chloe sa bahay ng kanyang amo kaya naman pinatulan na niya ito. Binato niya ito ng mga damit at pinadapa sa isang washing machine, dahilan kung bakit napuruhan ang tiyan ni Chloe at nalaglag ang nasa sinapupunan nito.
Labis ang naging galit ni Jacob kay Zeny sa pagkamatay ng kaniya sana'y magiging panganay na anak. Dahil dito, galit na galit din si Abel sa ginawa ni Zeny kaya pinalayas niya ito.
Sa huli, nabalewala lang ang lahat at ng ginawa ni Zeny para kay Abel at sa pamilya nito.
Abangan ang iba pang kwento ng mga magkarelasyon na nagkaroon ng matinding hamon sa pagsasama sa Karelasyon, kasama ang Kapuso actress/TV host na si Carla Abellana.
Mapapanood ang Karelasyon tuwing Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.