
Sa dalawang magkasunod na Sabado, magpapahinga muna ang programang 'Ilaban Natin 'Yan', at pansamantalang mapapanood ang replays ng 'Karelasyon' sa 4:00 P.M. time slot ng GMA.
Pansamantalang mapapanood ang Karelasyon sa Saturday, 4 PM time slot
Panandalian lamang ito, habang nasa ilalim pa ng extended enhanced community quarantine ang Luzon, at hindi pa maaaring magsimula ulit ng taping para sa new episodes.
Kung nais mong mapanood muli ang past episodes ng 'Ilaban Natin 'Yan', pumunta lamang sa YouTube channel ng GMA Public Affairs o i-like at i-follow ang official Facebook page ng 'Ilaban Natin 'Yan'.
Abangan din ang mga special FB live tampok ang mga Kapuso stars at ilang mga ekspertong libreng magbabahagi ng payo sa inyo.
Kaya kapit lang, mga Kapuso! Muli ninyong mapapanood si Ate Vicky sa 'Ilaban Natin 'Yan soon.
'Ilaban Natin 'Yan' provides free rides and meals to PGH medical workers
Ilaban Natin 'Yan, wagi sa ratings!