What's on TV

'Karelasyon' presents 'Apoy'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, sinabing very supportive sa kaniyang career ang mister na si Norman
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Laro o away?

Kung ang maipagmamalaki ng fire dancer na si Lush (Jade Lopez) ay ang kanyang sex appeal at ka-seksihan, ang kanyang matalik na kaibigang event organizer na si Cha (Aicelle Santos) ay matalino at mapagmahal naman.

Magkaiba man ang dalawa sa ugali at pisikal na kaanyuan, pareho silang mapusok pagdating sa pag-ibig.  Kaya nang sabay nilang matipuhan ang guwapo at tuso ring si Fiero (Rodjun Cruz), masusubukan ang hangganan ng kanilang pagkakaibigan.  Sino sa kanila ang unti-unting lalamunin ng inggit? Sino sa kanila ang lalamunin ng selos? At sino naman ang magiging makasarili?

Ito ang nagaalab ng kuwentong tampok ngayong Sabado sa Karelasyon! Mula ito sa panulat ni James Harvey Estrada at direksyon ni Rember Gelera. Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng #Like.