What's on TV

'Karelasyon' presents 'Baliw'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 9:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News



Sina Sid Lucero at Louise delos Reyes ang inyong mapapanood sa 'Karelasyon' ngayong Sabado. 


Nagsimula sa pagiging textmates ang relasyon nina Elmer at Mildred. Sa umpisa ay pampalipas oras niya lang ito. Pero dumating din ang panahon na ginusto niya na mas makilala pa si Elmer at makita ito ng personal.
 
Hindi nagtagal at nagkamabutihan ang dalawa. Umasa si Mildred na si Elmer na ang sagot sa malaking posibilidad na siya ay tumandang dalaga.
                                              
Strikto ang tatay ni Mildred kaya naman nilihim at tinago niya ang pakikipagrelasyon kay Elmer. Pero nang nabunyag ang sikreto ni Mildred, itinakwil at pinalayas siya ng kanyang tatay.
 
Kay Elmer tumakbo si Mildred at nagpasya ang dalawa na magsama. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan, pero habang lumalaki ang tiyan ni Mildred, unti-unti rin niya nasisilip ang nakakubling bahagi ng pagkatao ni Elmer. Naging mabilis ang mga pangyayari sa buhay ni Melinda kaya naman hindi niya gaanong nakilala ang tunay na pagkatao ni Elmer. Ang hindi niya alam, may problema sa katinuan ang kanyang kinakasama. Dulot ito ng depresyon noong kabataan ni Elmer.
 
Kapag nagseselos siya kay Melinda, bumabalik ang sumpong ni  Elmer. Nagiging bayolente at tila nawawala sa sarili si Elmer.  At sa tuwing nangyayari ito, takot at pangamba ang nararamdaman ni Melinda para sa kanyang sarili at sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
 
Tama ba na manatili pa rin sa puder ni Elmer si Melinda kung buhay at kaligtasan na niya ang nakataya?
 
Ito ang mga dapat abangan sa isa na namang kontrobersyal na kwentong ihahatid ng Karelasyon! Tampok sina Louise delos Reyes at Sid Lucero.

Sa panulat at direksyon ni Michael Christian Cardoz, at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, tutok na sa GMA ngayong Sabado, September 19, 2:30 pm pagkatapos ng Eat Bulaga.